PAGDALUMAT SA KONSEPTO NG PAGHIHIRAP NG MGA MAG-AARAL NA NASA UNANG TAON NG COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN – MANILA

Alethea Patricia Del Castillo-Arenillo | Jess Christian Beronio |

May 19, 2025

Ang salitang “paghihirap” ay mayroong iba’t ibang pakahulugan mula sa mga tao. Maaaripinansyal, intelektuwal, emosyonal o sosyolohikal ang pinatutungkulan nito. Maaari rin naman na ang mahirap para sa isa ay madali para sa iba o ang madali at magihawa pa sa ilan ay mahirap para sa nakararami. Upang mabigyang paglalarawan ang konsepto ng paghihirap sa lente ng estudyanteng Pilipino, ang pag-aaral na ito ay isinagawa. Dahil may potensiyal ang wikang Filipino na maitanghal ang pagtingin at pagdama sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na hindi kayang maisagawa gamit ang ibang wika, ang pag-aaral na ito ay isinagawa gamit ang wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kuwalitatibong pamamaraan: at dahil nais tukuyin ng pag-aaral na ito ang mga perspektibo ng mga mag-aaral, ang mga tagatugon ay mga napiling mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran na nasa unang taon.

See Full Text

  Download PDF   Read Online