Ela Mae Cena | Jhala Mae Nicole Mendoza | Jamaica Natividad | Marion Daryl Iris Ramos | King Brian Untalan | Angeline Martha Beroin | Darwin Rungduin |
July 28, 2022
Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas na pagsunod sa safety protocols na inilatag laban sa COVID-19. Subalit, taliwas ang ipinakikita ng mga balita sapagkat higit na inilalarawan bilang pasaway ang mga Pilipino. Gumamit ng Explanatory Sequential Mixed Method Design ang mga mananaliksik upang malaman ang ugnayan ng pagpapahalaga sa mga safety protocols at antas ng pagsunod ng mga Pilipino, at ang mga udyok sa likod ng kanilang paglabag. May kabuuang 385 kalahok sa isinagawang survey at 20 kalahok sa focus group discussion. Napag-alaman na may significant weak to moderate relationship ang pagpapahalaga at pagsunod sa safety protocols. May mga udyok sa labas tulad ng mga isyu sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya at kontekstong panlipunang nakahahadlang sa pagtugon ng mga Pilipino sa kanilang mga udyok sa loob tulad ng pinansyal at sikolohikal na pangangailangan kung kaya’t napipilitan silang sumuway.
Powered By: Information Technology and Media Services